PATULOY ang pagdating ng ayuda sa mga apektadong residente sa mga lugar na sakop ng extended ECQ.
Kabilang sa nagparating ng ayuda sa mga residente ang Metro Pacific Tollways Corporation sa pamamagitan ni Mhanny Agusto, Corporate Communication Specialist.
Ang Metro Pacific Tollways Corporation ay kasama sa MVP Group of Companies na naglibre sa toll fees sa south at north luzon expressways ng mga sasakyan ng frontliners kagaya ng mga doktor at nurses.
Inayudahan din ng MPTC simula noong Marso 31 ang mga barangay na nadadaanan o sakop ng kanilang expressways.
Samantala, nagpaabot din ng pasasalamat ang mga mamamahayag sa South Metro Manila kina Sen. Bong Go; Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar; Act CIS Partylist Representative Niña Taduran; at Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, INC. (FFCCCII) na nagbigay ng relief packs at saku-sakong bigas. Gayundin ang pasasalamat ng grupo sa National Press Club na nagkaloob ng isang kaban ng bigas at sa reporter na si Mer Layson na namahagi ng dose-dosenang itlog. DAVE MEDINA
