TINIYAK ng Inter-Agency Task Force (IATF) kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kayang buksan ang kalakalan sa gitna ng nararanasan pa ring banta dala ng COVID-19 pandemic.
Pahayag ito ng IATF kay Pangulong Duterte na kumonsulta sa Task Force para sa ginagawang pag-arangkada ng mga negosyo sa iba’t ibang bahagi ng bansa na nasa ilalim ng GCQ.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, mismong ang Punong Ehekutibo ang nagtanong kung kakayanin na ba talagang mag-business as usual.
Aniya, wala naman problema basta’t ipatupad lang ang localized lockdown at dapat din paigtingin ang testing at tracing.
Kailangan din na huwag palabasin ang mga senior na tinaguriang vulnerable na madaling malagay sa peligro sa sandaling ma-expose sa coronavirus. (CHRISTIAN DALE)
