LP ang sisihin hindi ang 18th Congress sa sinapit ng ABS-CBN LENI SINOPLA NI DEFENSOR

BINUWELTAHAN ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor si Vice President Leni Robredo matapos sabihin na maraming problema ang bansa subalit ang pagpatay sa prangkisa ng ABS-CBN ang inatupag ng Kongreso.

Ayon kay Defensor, “unfair” na sisihin ni Robredo ang 18th Congress sa naging kapalaran ng ABS- CBN dahil maging ang kanilang partidong Liberal Party (LP) ay dinedma ang franchise application ng nasabing network.

“Isa lang naman ang katanungan ko. Nandun sila noong 2014, bakit nung may panahon ang partido liberal hindi inaprubahan itong prangkisa?,” ani Defensor.

Unang inihain ni dating Deputy Speaker Giorgiddi Aggabao ang renewal ng franchise ng ABS-CBN noong Setyembre 11, 2014 kung saan ang House Speaker ay miyembro ng LP na si dating Quezon City Rep. Feliciano Belmonte Jr. at Senate President naman si Sen. Franklin Drilon.

Kasama rin sa 16th Congress si Robredo  bilang kinatawan ng ikatlong distrito ng Camarines Sur subalit inupuan ng kanyang partido ang franchise renewal application ng ABS-CBN.

“So kung mayroong sisisihin dito, bakit nyo sinisisi ang isang Kongreso na 10 buwan pa lamang para magdesisyon at para magtrabaho. Ginawa namin yung aming trabaho at inayos namin ang aming desisyon eh parang unfair na wala ka nang ginawang tama eh yung partido nila hindi naman inaprubahan ito nung nasa kanila ang panahon,” ani Defensor. (BERNARD TAGUINOD)

130

Related posts

Leave a Comment