‘TSISMOSA’ AYAW PATULAN NI SPOX ROQUE

AYAW patulan ng Malakanyang ang mungkahi ng isang police general sa region 7 na gawing contact tracer ang mga tsismoso at tsismosa.

Ang katuwiran ni Presidential spokesperson Harry Roque, mahirap matukoy kung sino ang mga tsismoso at tsismosa sa bansa dahil tiyak na wala namang umaamin sa pagiging matabil o daldalera ng mga ito.

Bukod dito, gusto ni tracing czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong na mayroong nalalaman sa imbestigasyon ang kukunin na contact tracer.

“Napakahirap namang malaman kung sino ang tsismoso at tsismosa. Mayroon pong standard training na binubuo ang ating contact tracers at ‘yan ang susundin natin. Mas mabuti siguro yon kaysa yung tsismis,” ani Roque.

Sa halip aniya na mga tsismoso, mas makabubuting turuan na lamang ng mga pulis kung paano mag-imbestiga ang mga kukuning contact tracers.

Aniya, hindi kailangan ang espesyal na kuwalipikasyon para maging contact tracer, maliban sa marunong mag-isip at mag-analisa gaya ng ginagawa sa imbestigasyon ng law enforcement agencies. (CHRISTIAN DALE)

178

Related posts

Leave a Comment