Nagreklamo ng korapsyon sa NCMH iniligpit DOKTOR, DRIVER PATAY SA AMBUSH

PATAY ang dalawa katao sa insidente ng pamamaril sa bahagi ng Cassanova Drive St., corner Tandang Sora Avenue, Barangay Culiat, Quezon City dakong alas-7:00 ng umaga nitong Lunes.
Batay sa report ng Quezon City Police District Police Station 3, natagpuang ang patay ang dalawang lalaki sa loob ng pulang Toyota Vios.

Kinilala ang mga biktimang sina Dr. Roland Luyun Cortez, 61-anyos, at ang driver niyang si Ernesto Ponce Dela Cruz, kapwa may mga tama ng bala sa kanilang katawan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP, pinagbabaril ng riding in tandem suspects ang mga biktima.

Ayon kay QCPD Station 3 chief, P/Lieutenant Colonel Benjamin Gabriel, ang isa sa mga biktima na si Dr. Cortez ay opisyal ng National Center for Mental Health. Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang nasabing insidnete.

Magugunitang inakusahan ni Dr. Cortez, NCMH medical chief II, ang mataas na opisyal ng NCMH ng graft and malversation dahil sa umano’y pagtulong sa isang kompanya na ma-monopolize ang mga proyekto sa nasabing pasilidad, kabilang ang pagpapalawak sa pavilion na umaabot sa P80 milyon ang halaga.

Naghain si Dr. Cortez ng reklamo sa Office of the Ombudsman noong Hulyo 15 laban kay NCMH chief administrative officer Clarita Avila, tinukoy ang findings ng National Bureau of Investigation
(NBI) hinggil sa iregularidad sa pag-award ng proyekto para sa pagpapalawak ng NCMH’s Pavilion 6, sa Octant Builders.

Sa nasabing reklamo, sinabi ni Cortez, si Avila, na nangasiwa sa engineering works sa NCMH, ay incorporator umano ng Octant.

Ayon kay Cortez, “Octant has been monopolizing” projects sa NCMH. Aniya, sa sertipikasyon mula sa Securities and Exchange Commission (SEC), nakasdaad na si Avila “is
actually an incorporator of the company.” Dagdag pa ni Cortez, gumawa ng hakbang si Avila para palabasing ang Octant Builders ang lowest

bidder ngunit kalaunan ay itinaas ang project costs sa pamamagitan ng pagdagdag ng iba pang items, bilang engineering overseer ng NCMH.

236

Related posts

Leave a Comment