TINIYAK ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na tatalupan nila sa pagdinig sa Senado ang mga nasa likod ng mafia o sindikato sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na patuloy sa
pamamayagpag.
Sinabi ni Lacson na sisimulan na nila sa Martes ng umaga ang pagdinig kung saan haharap ang ilang testigo at isisiwalat ang mga nasa likod ng mga iregularidad.
“At the outset, I can say that this new Senate investigation will reveal the same cast of characters, or at least a number of them, that we already exposed in a Senate inquiry in August last year after
my “PhilHealth and the Department of Wealth” privilege speech on July 29, 2019,” saad ni Lacson.
Sa paniniwala ng senador, nagbalik ang sindikato at may paghihiganti itong kasama o maaaring sadyang hindi nawala ang core group ng mafia.
“It is revolting to see the PhilHealth mafia very much active and still in control of the already depleted resources of agency,” diin pa ni Lacson.
Ang pinakamatindi pa anya rito ay ang manipulasyon sa financial statements at ang mistulang pag-master na nila sa art of influence peddling kaya’t nagpapatuloy ang kanilang access sa
kapangyarihan. (DANG SAMSON-GARCIA)
