BYE CRISPY TAWILIS ; FISHING BAN IPATUTUPAD NA

tawilis

BALAK ngayon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na magpatupad ng tatlong buwang fishing ban sa kilalang tawilis simula Marso o Abril ngayong taon sa Taal Lake.

Ayon kay BFAR director Ed Gongona, 2013 pa nang iminungkahi nila ang tatlong buwang fishing ban na ito pero hindi naman daw inaksyunan ito ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Pero muling bubuhayin daw sa ngayon ng BFAR ang nauna na nilang mungkahi na ito kasunod na rin ng deklarasyon ng International Union for the Conservation of Nature (IUCN) na ang populasyon ng tawilis sa lugar ay bumulusok sa nakalipas na 10 taon.

Sa panayam, sinabi ni Dr. Mudjekeewis D. Santos, isang scientists sa National Fisheries Research and Development Institute (NFRDI), posibleng makatulong ang fishing ban na ito para maitaas ang populasyon ng tawilis sa susunod na tatlong taon kung ito ay ipapatupad kasabay ng iba pang conservative measures.

262

Related posts

Leave a Comment