P15-B nakumpiska sa 10-mos ops ng PNP BUMABAHA PA RIN NG DROGA

NAGKALAT pa rin ang ilegal na droga sa bansa sa gitna ng nararanasang pandemya sa COVID-19.

Ito ang lumitaw kaugnay ng iniulat ni PNP chief Gen. Archie Gamboa na sa loob ng sampung buwang operasyon ng kanilang ahensya laban sa ilegal na droga sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas
ay umabot sa P15.379 billion o dalawang tonelada ng shabu ang kanilang nakumpiska.

Ang naturang halaga ng droga ay nasabat sa anti-illegal drug operations ng PNP simula October 14, 2019 hanggang August 1, ng taong kasalukuyan.

Nasa 62,342 drug suspects naman ang naaresto ng PNP sa umaabot sa 41,972 inilunsad na anti- illegal drug operations.

Isa sa itinuturing na big haul ng PNP ay ang operasyon ng PNP Drug Enforcement Group sa Marilao, Bulacan kung saan nasa P5.6 billion halaga ng droga ang nasamsam.

Ayon kay Gamboa ang Marilao, Bulacan drug operation ay isang “rare feat” dahil minsan lang nakakatsamba ang mga tropa na makakuha ng ganoong kalaking halaga ng ilegal na droga sa
kanilang operasyon.

Iniulat din ni Gamboa na nasa 54.93% ang ibinaba ng index crime mula noong March 17 hanggang June 15, 2020. (SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

135

Related posts

Leave a Comment