UPANG masawata ang katiwalian sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, gagawa ng batas ang Kongreso na mag-oobliga sa lahat ng mga halal at appointed officials na gumawa ng written
permission na maaring kalkalin ang kanilang bank deposits, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa.
Sa House Bill (HB) 1589 na inakda ng mga kinatawan ng Bayan Muna party-list, hangga’t nananatiling protektado ang mga elected at appointed officials ng Bank Secrecy Law ay
mahihirapang sugpuin ang katiwalian sa pamahalan.
“Then and now, alleged undisclosed bank accounts of some officials and employees are issues that continue to hound all anti-corruption campaigns. The Bank Secrecy Law has in fact became an
unwitting shield and refuge of corrupt officials and employees,” ani Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate.
Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil tanging ang mga mababang opisyales ng PhilHealth ang pumayag na lumagda sa waiver para masuri ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang
transaksyon ng mga ito sa kanilang bangko.
Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang matataas na opisyales ng PhilHealth at maging ang mga regional vice president kung papayag o hindi ang mga ito na buksan ang kanilang bangko.
“If the present Duterte administration war on corruption is not just about bluster, it should support the passage of House Bill 1589,” ayon pa kay Zarate.
Kung magiging batas ang nasabing panukala, kailangang masugpo ang katiwalian hanggang sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno tulad ng cabinet secretaries, senador, congressmen at
pangulo ng bansa.
“The Duterte administration is supposedly going after corrupt officials, then it should support this bill,” ayon pa sa mambabatas dahil sa ngayon, tanging ang mga mga halal at appointed officials
ang hindi inoobliga na magsumite ng waiver sa bank secrecy law samantalang ginagawa na aniya ito sa hanay ng hudikatura.
“If justices are required to submit a waiver, there is no reason why cabinet secretaries and other officials and employees should not,” ayon pa sa mambabatas. (BERNARD TAGUINOD)
