WALANG transaksiyon sa munisipyo ng Kawit sa lalawigan ng Cavite simula Setyembre 1 hanggang 7 makaraang isailalim ito sa total lockdown.
Sa FB account ng Kawit Public Information Office (PIO), inihayag nito na ipinag-utos ni Kawit Mayor Angelo Aguinaldo ang pagsasailalim sa lockdown sa kanilang munispiyo upang masiguro ang seguridad ng lahat at upang mabigyan ng “thorough disinfection” na isasagawa kada tatlong araw hanggang sa kanilang pagbubukas sa Setyembre 8.
Bagama’t lockdown ng isang lingo, ilalagay naman sa work from home ang ilang departamento tulad ng BPLO, LCR, Assessor’s Office ngunit ang kanilang frontliners ay magpapatuloy sa kanilang paglilingkod kabilang ang Kawit Rural Health Unit, MSWD at MENRO.
Ang nasabing desisyon ay para maiwasan ang paglala sa kaso ng COVID 19.
“Hindi po madali ang desisyon na ito para sa akin, lalo ngayong ramdam ko ang bigat na dala ng lockdown na ito sa bawat Kawiteno. Wala po akong ibang gusto kung hindi maihatid sa inyo ang serbisyong inyong kinakailangan,” ayon kay Aguinaldo. (SIGFRED ADSUARA)
176
