KONTRATA NG MGA CHINESE SA PINAS, TULOY – MALAKANYANG

TINIYAK ng Malakanyang na tuloy ang Sangley Airport Development Project na nakuha ng China Communications Construction Co. Ltd. (CCCC) at MicroAsia Corp. ni Lucio Tan sa kabila ng pagpapataw ng sanction ng Estados Unidos laban sa mga Chinese firm na sangkot sa pagtatayo ng mga artificial island sa South China Sea.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque na hindi susunod ang Pilipinas sa direktiba ng Estados Unidos dahil isang independent country ang bansa at kailangan ang mga namumuhunang galing sa China.

“Kaya naman, tuloy pa rin ang iba pang proyekto kahit sinong Chinese pa ang contractor nito para sa interes ng bansa at matapos ang flagship project na “Build, Build, Build program,” ayon kay Sec. Roque.

Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay tugon sa sinabi ni Cavite Governor Jonvic Remulla na payag ang provincial government na i-terminate ang deal sa CCC para sa Sangley airport project kung banta ito sa national security.

Sinasabing sa ilalim ng expanded Sangley Airport, magkakaroon ng apat na runways na kayang maka-accommodate ng hanggang 100 milyong pasahero sa isang taon.
Puntirya ng Cavite provincial government na partially makapag-operate ang Sangley International Airport sa 2022 habang sa 2023 planong gawin ang full operation nito. (CHRISTIAN DALE)

153

Related posts

Leave a Comment