DENR posibleng makasuhan SOLON: WHITE SAND SA MANILA BAY TIYAKING MAGTATAGAL

MISTULANG binalaan ni Senador Win Gatchalian ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na posibleng maharap sa mga kaso kung hindi tatagal ang ilalagay na artificial white sand sa Manila Bay.

Sinabi ni Gatchalian na dapat tiyakin ng ahensya na hindi masasayang ang pondong inilaan sa proyekto.

“Ang payo ko sa DENR, siguraduhin nila na tatagal ito na matagal na matagal dahil kung sandali lang mawala yan, baka katakut-takot na demanda ang abutin ng DENR dahil sayang ang pera,” saad ni Gatchalian.

Binigyang-diin ng senador na sa kanyang tingin ay maganda ang intensyon ng DENR sa pagpapaganda ng Manila Bay subalit dahil na rin sa malakas na alon sa Manila Bay ay may posibilidad na maging temporary lang ang ilalagay na white sand.

“Baka mawala lang sa lakas ng alon na pumapasok sa Manila Bay. Baka short term lang at temporary, gagastos tayo ngayon pero sa lakas ng alon baka madala lang sa dalampasigan,” diin pa ng senador.

“‘Yun lang ang sa akin baka masayang lang kung mawa-wash out din, kung hindi maglalagay ng ibang engineering device baka mawala rin sayang lang,” dagdag pa nito. (DANG SAMSON-GARCIA)

163

Related posts

Leave a Comment