Nabitag sa pain na P500 ng ‘buyer’ 9 TIKLO SA PEKENG RAPID TEST RESULTS

SIYAM katao, kabilang ang isang 17-anyos na binatilyo, ang binitbit ng mga tauhan ng Manila Police District dahil sa paggawa ng pekeng dokumento at rapid test results sa Sta. Cruz, Manila.

Pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Art.172 (Falsification by private individual and use of falsified document) at Art.174 (False medical certificate of PRC in Relation to RA 11332) ang mga suspek na kinilalang sina Rommel Gonzales, 38, negosyante at manager ng RBG motorcycle parts and accessories, sa #1200 Alfonso Mendoza St., Sampaloc, Manila, at ang mga kapatid nitong sina Randrex,

34; Richelle, at isang binatilyo.

Kasama ring binitbit ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Elizabeth Raposas, 41; Mary Jean Guban, 30; Rosemarie Saludo, 32; Maricor Pebello, 33, at Deobert Sas, 20-anyos.

Ayon sa ulat ni P/Cpl. Neil Patrick Galiza na isinumite kay P/Lt. Col. John Guiagui, station commander ng MPD-Station 3, bandang alas-4:00 ng hapon nitong Lunes nang isagawa ang entrapment operation sa Alfonso Mendoza St. sa Sta. Cruz.

Isang pulis ang nagpanggap na magpapagawa ng rapid test result at P500 ang napagkasunduan nilang bayad. (RENE CRISOSTOMO)

84

Related posts

Leave a Comment