NAGPAHAYAG ng pagdududa ang isang environmental group sa pagpapanatili ng Department of Energy sa karbon.
Ang anim na sentimong karagdagang national average power rate noong Disyembre ng nakaraang taon na inireport ng DOE ay isa na namang malaking katanungan, kung bakit nais pa ring panatiliin at mas paigtingin ng ahensiya ang pagkalinga o dependensya sa napakamahal at mapanganib sa kalusugan, maging sa kalikasan ng maruming enerhiya na mula sa ‘coal’ o karbon.
Ito ang inilabas na pahayag ng Center for Energy, Ecology, and Development (CEED) sa pangunguna ng execuitve director na si Gerry Arances, kung saan sinabi niya na ang power crisis noong 2019, ay naging madalas ang pagkakaroon ng red at yellow alerts dahil sa mga nangyayaring ‘shutdowns’ ng mga ‘coal-fired power plants’.
“The power crisis of 2019, where many of the over sixty instances of red and yellow alerts were recorded during the summer months largely due to unexpected shutdowns of coal-fired power plants, caused price fluctuations that sent electricity rates soaring,” base sa statement.
Ayon pa sa pahayag, kumpara sa 30 porsyentong pagbawas sa electricity charges kung ang renewable energy ang siyang primary source ng enerhiya, ayon sa Institute for Energy Economics and Financial Analysis (IEEFA).
Maging aniya ang pinakamalaking distribution utility sa bansa, ang Meralco ay sinasabing nagbigay ng ‘price reductions’ nitong ‘pre-quarantine months’ bilang karagdagan sa nababagong pasilidad sa halo nito.
“There is no reason why we should continue relying on coal when we have an abundant supply of cheap and clean energy from renewable sources just waiting to be tapped,” dagdag pa sa statement ng CEED. (TJ DELOS REYES)
82