IGINIIT ng AKO-OFW party-list ang paggawa ng batas para awtomatikong masuportahan ang displaced OFW at overseas Filipinos upang maiwasan ang hindi pagkakapareho ng mga benepisyo ng mga distressed OFW. Ito’y kasunod ng bagong sitwasyong kahaharapin ng mga Pinoy worker sa Amerika sa gitna ng ipinatupad ng Trump administration na pagpapauwi sa mga ilegal na nagtatrabaho doon kabilang ang mga Pilipino. Ayon kay Dr. Chie Umandap, 1st nominee at chairman ng AKO-OFW Party-list dapat umanong maglaan ng pondo para sa mga OFW na hindi lamang nanggagaling sa OWWA na regular na…
Read MoreDay: February 4, 2025
MGA DATING TAUHAN NG LRTA MULING NANGALAMPAG SA SC
NAGPROTESTA muli sa harapan ng Korte Suprema ang mga dating tauhan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na nawalan at tinanggal sa kanilang trabaho. Nanikluhod sila sa mga mahistrado ng high tribunal na magtakda ng oral arguments sa usapin ng kanilang separation at back pay. Iginiit ng grupo na maglabas na ng pinal na desisyon ang third division ng Supreme Court kung saan parehas sila ng NLRC na nag-aatas sa LRTA na tumbasan ng bayad ang kanilang serbisyo. Binigyang-diin din ng grupo na hindi tama ang SC En Banc na…
Read MoreCHINA BANTA SA MUNDO
INAKUSAHAN ng mga eksperto sa seguridad sa mundo ang Chinese Communist Party (CCP) ng pagpapahina sa pandaigdigang kaayusan sa pamamagitan ng ekonomikong panlilinlang, panghihimasok sa pulitika at pagpapalawak ng kanilang militar. Dahil dito, itinuturing ng mga delegado sa 27th Parliamentary Intelligence-Security Forum (PI-SF) forum na isinagawa sa Batasan Pambansa, na malaking banta sa kapayapaan sa buong mundo ang nasabing bansa. “We have many challenges in the world today, spawned in large part by the nemesis in this region—China,deklara ni dating U.S. Congressman Robert Pittenger kung saan idinagdag nito na “For…
Read MoreSa delay ng rate reset ng NGCP at Meralco EX-ERC COMMISSIONER ALFREDO NON SINABON
BINATIKOS ng mga mambabatas si dating Energy Regulatory Commission (ERC) commissioner Alfredo Non dahil sa pagkaantala ng rate reset ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at Manila Electric Company (MERALCO), na parehong nakatanggap ng sisi dahil sa umano’y kakulangan ng ahensya na dati niyang kinabibilangan. Sa isang pagdinig ng House committee on good government and public accountability, kinuwestiyon si Non tungkol sa kawalan ng rate reset proceedings noong siya ay nanunungkulan pa sa ERC, na nagresulta sa lapsed period para sa NGCP at Meralco. Binigyang-diin ni Cagayan de…
Read MoreCAINTA MAYOR PINATAWAN NG PARUSANG COMMUNITY SERVICE ANG ANGKAS DAHIL SA VIRAL VIDEO
PINATAWAN ni Cainta Mayor Atty. Elenita “Elen” Nieto ang Angkas ng parusang community service kasunod ng viral video ng ilan sa bikers nito na nakaabala sa trapiko. Sa isang Facebook post, sinabi ni Nieto na nagpaliwanag at nagpaumanhin na ang Angkas sa kanilang pulong. Ayon sa Mayor, nakatakdang gawin ng Angkas ang community service sa Cainta. “Tinanggap natin ang kanilang paumanhin at umaasa ako na magsisilbi itong learning experience para sa kanila. Titiyakin din natin na tutuparin nila ang pangakong magsilbi sa komunidad,” wika niya. Bukod sa community service, sinabi…
Read MoreSA SOBRANG INGGIT, TODO SA PANGGIGIPIT
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA NAKU ha, nanggigipit na ang mga alagad ng kulelat sa survey at ayaw nang pabalikin sa City Hall ng Maynila. Noong Enero 20, may pinalabas na memorandum si Atty. Veronica N. Lladoc, city legal officer — na tinutukoy ang mga administrator ng lahat ng mall at lugar na pwedeng pagdausan ng mga miting, aktibidad sa loob ng siyudad ng Maynila. Kailangan bago maidaos ang anomang events, miting at katulad na gawain, kailangan muna –” SHALL secure a SPECIAL PERMIT from the Office of the City…
Read MoreGRUPO NG MAGSASAKA, MAY PANGAMBA SA FOOD EMERGENCY
RAPIDO NI TULFO NAG-AALALA ang ilang grupo na kumakatawan sa mga magsasaka sa bansa ngayong nagdeklara ng “Food Emergency” sa bigas ang Department of Agriculture. Dahil baka raw makaapekto sa presyo ng bilihan ng palay ang itinakdang SRP (Suggested Retail Price) sa NFA rice na ibebenta sa mga pamilihan. Ayon kay Leonardo Montemayor ng Federation of Free Farmers, nag-aalala sila na baka bumaba ang presyo ng bilihan ng palay ngayong anihan. Dahil sa kanilang pagtataya, nasa P36-38 ang retail price ng NFA rice na ibebenta sa merkado. Lalabas daw na…
Read MoreGOV. ABDUSAKUR TAN AT IBA PANG LOCAL OFFICIALS NAMAHAGI NG AYUDA SA MGA RESIDENTE NG SULU!
TARGET NI KA REX CAYANONG SA ilalim ng temang “Pagkakaisa at Pagtutulungan upang Kaunlaran at Kapayapaan ay Makamtan,” isinagawa ang mahalagang pagtitipon sa Sumadja Hall, Sulu Area Coordinating Center, kung saan personal na nag-abot ng tulong pinansyal sina Governor Abdusakur Tan, Vice Governor Abdusakur Tan II, at Barangay Chairman Nurhakeem Uddin ng Brgy. San Raymundo sa mga residenteng naapektuhan ng proyekto sa pagpapalawak ng kalsada ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sulu. Sa kanyang talumpati, malinaw na ipinaliwanag ni Governor Tan ang mga layunin ng proyekto at kung paano ito makatutulong sa pagpapanatili…
Read More“MADYIK 12” sa SURVEY
KAPE AT BRANDY ni Sonny T. Mallari NITONG PEBRERO 1, may inilabas na pastoral letter si Cardinal Pablo Virgilio “Ambo” David, pangulo ng Catholic Bishop Conference of the Philippines. Pagkatapos kong basahin, napaiisip ako bilang kasapi ng Simbahang Katoliko Romano sa Pilipinas. Ito ang isang bahagi ng liham ni Cardinal Ambo. “Abandon hope all ye who enter here…’ are the haunting words written at the entrance of the descent into hell in Dante Alighieri’s L’inferno. What the author was writing about in the context of his time’s political turmoil and…
Read More