PUMIYOK ang Palasyo ng Malacañang na ang contact tracing ang nakikita nitong kailangang magdoble kayod sa gitna ng kinakaharap pa ring problema sa pandemya na dala ng COVID- 19.
Ito ang naging pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque kasunod ng gradong 85 percent na maaari aniyang ipagkaloob sa pamahalaan kaugnay ng pagtugon nito sa COVID-19.
Ani Sec. Roque, ang natitirang 15 percent na kakulangan ng gobyerno ay masasabing pwedeng makita sa contact tracing na pinalalakas na aniya sa pamamagitan ng paggamit ng Safety.ph na pinaniniwalaang isang epektibong automated tool sa contact tracing.
Ipinatupad na rin, ayon kay Sec. Roque ang General Magalong Formula kung saan ipinatutupad ang tracing hindi lamang sa immediate family members kundi pati sa 37 close contacts na nakahalubilo ng isang may COVID-19. (CHRISTIAN DALE)
72