(NI BERNARD TAGUINOD)
HABANG ginagalugad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at iba pang ahensya ang mga establisimyento na maaaring dahilan ng pagdumi ng Manila Bay, hindi pa rin ginagalaw ng mga ito ang Embahada ng Estados Unidos.
Ito ang dismayadong pahayag ni Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao kaya hindi masisisi ang marami na isipin na pakitang tao lang ng gobyerno ang Battle of Manila Bay dahil tanging ang mga maliliit kasama na ang mahihirap na komunidad sa Manila ang pinagtutuunan ng pansin ng gobyerno.
Ayon kay Casilao, kung talagang seryoso ang gobyerno na malinis ang Manila Bay ay isama ang US Embassy sa Roxas Blvd., Manila ang dapat siyasatin kung kasama ang mga ito sa lumalabas sa batas.
“The government is easily blaming poor communities for polluting the bay, when many establishments have been doing so, amid laws and regulations, for many years,” ani Casilao.
Kailangang masiguro aniya na hindi ginagawa ng US Embassy ang mga establisymento na natuklasang nagtatapon ng maruming tubig sa Manila Bay kaya dapat aniyang inspeksyunin ito ng DENR.
Hangga’t iniiwasan aniya ng gobyerno ang US Embassy at iba pang embahada sa Roxas Blvd, kasama na ang Department of Foreign Affairs (DFA) na inspeksyunin kung may ginagawang paglabag ay walang silbi aniya ang rehabilitation effort na ito sa Manila bay.
Maliban dito, walang maniniwalang seryoso ang gobyerno sa paglilinis dahil tila wala umanong plano ang mga ito na ipasara ang 40 ektaryang dumpsite sa Navotas at dito itinapon ang tone-tonelatang basura na nahokot sa nasabing kargatan nang simulan ang rehabilitasyon noong nakaraang linggo.
“If the Duterte government shutdowns the Navotas dumpsite, it will support their claim that they truly want to clean up the bay, but if it is kept operational, the rehabilitation effort is truly sham,” pahayag ni Casilao.
149