MARTIAL LAW AT DISIPLINA

SINO-SINO nga ba ang mga taong ayaw sa pagiral ng martial law??!

Ang masasabi ko lang SILA yung mga taong ayaw ng disiplina! Mga taong gustong magpabagsak ng pamahalaan, mga taong makabayan kuno!? Pero ang tunay na adhikain ay sila ang makapamuno.

Laki akong Mindanao na kung tutuusin kami ang mas masasabing dumanas ng anila’y labag sa mga karapatang pantao. Pero hindi po namin yan naranasan, sa halip disiplina ang aking nakita sa pagiral ng martial law sa kamindanawan.

Kasi ang mga mamayan nuong umiiral ang martial law sa buong bansa at doon sa aming lugar sa Dadiangas na ngayoy General Santos City na, ay nakikita kong mas nagtutulungan at mataas ang

respeto sa kanilang kapwa. Sa madaling salita mayroong disiplina at pagmamahal sa kanilang mga kababayan.

Pero suriin ninyo ang ginagawa ng mga taong nagsasabing sila ay nagmamahal sa bayan at ipinaglalaban ang karapatang pantao.

Nabalitaan ninyo yung kanilang ginawa nitong nakalipas na Lunes (September 21, 2020)? Alam na nila na mayroon tayong nilalabanang pamdemya at bawal ang mga mass gathering o mga rally, pero ano ang kanilang ginawa nag-organisa ng rally para raw ipaala-ala ang masamang naging idinulot ng martial law.!?

Diba sila yung mga taong walang disiplina sa katawan?! Sila yung mga taong kapag sinita dahil sa mga paglabag na kanilang ginawa ay kaagad ang isisigaw ay pagsupil daw sa malayang pamamahayag.

Sila yung mga taong walang pakialam sa kanilang mga kasama, basta’t maisulong lamang nila yung kanilang mga black propaganda laban sa pamahalaan kahit pa mayroong masamang idudulot ito sa kanilang mga kasamahan sa rally na maaring mahawahan ng coronavirus disease 2019!

Diba yung ganyang mga pagkilos o gawain ay mula sa mga terorista? Na walang pakialam sa kapakanan ng kanilang kapwa maisulong lang yung kanilang plano!?

Ginagamit pa nila ang University of the Philippines (UP) sa kanilang kawalan ng disiplina!!

Di ko rin lubos maisip para doon sa ilang mga estudyante ng UP na nakisawsaw pa sa kawalan ng disiplina. Ang alam ko nga mas mataas na antas pa ang kanilang talino kaysa sa inyong lingkod, pero mukhang nagiging bobo sila ng maging sunod-sunuran sa mga black propaganda ng mga taong umanoy makabayan?

Kaya apela ko sa mga estudyante hindi lang mga taga UP kundi pangkalahatan na, na huwag kayong sunod-sunuran na mahalintulad sa kabayong mayroong sapatilya na kung saan hatakin ay sumusunod na lamang.

Mga estudyante kayo na mayroong kakayanang mag-aral ng ano nga ba ang tunay na nagaganap sa ating bayan! Kung bakit paatras ang lakad ng ating bansa na sa halip na pasulong! Ano nga ba ang dahilan?!

Kung susuriin lamang ninyo, makikita ninyo kung bakit tayo ay paurong!? dahil matutuklasan ninyo na yang mga taong inyong pinapakinggan sila ang dahilan kung bakit nagiging paurong ang lakad ng ating bansa.

 

Pag-aralan lamang ninyo kung ano nga ba ang naging kaganapan o nangyari sa ating bansa simula ng manungkulan ang mga taong nagsasabi na sila ang nagpalaya daw sa bansa.

Doon makikita ninyo na simula sa nangungunang bansa sa Asia ang Pilipinas noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, at kung nasaan na tayo ngayon?!.

STAY SAFE MGA KA-SAKSI

102

Related posts

Leave a Comment