HINILING ni Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles sa liderato ng Kongreso na ipasa na ang panukalang batas para mapigilan ang problema sa teenage pregnancy sa bansa.
Ginawa ni Nograles ang nasabing panawagan sa gitna ng mga ulat na 40 hanggang 50 kabataang Filipino na edad 10 hanggang 14 ang nanganganak linggo-linggo sa Pilipinas.
Base aniya sa report ng Commission on Population and Development (PomCom), tinatayang 2,250 kabataan na edad 10 hanggang 14 ang nanganak noong 2018 na doble aniya sa 1,000 na naitala noong 2007.
Lumabas din sa pag-aaral ng University of the Philippines’ Population Institute na mahigit 2 milyon ang ipapanganak sa susunod na taon kung saan 11% dito o katumbas ng 200,000 ang ipapanganak ng edad 20-anyos pababa.
“The numbers are staggering, and Congress must do its part to help address this urgent issue,” ani Nograles.
“Nananawagan ako sa mga kasamahan nating kongresista—talakayin na natin sa lalong madaling panahon ang mga panukalang batas na nagtatangkang magbigay-lunas sa mga isyung ito,” dagdag pa ng Harvard trained-lawyer.
Sa ngayon ay nakabinbin ang House Bill (HB) 5516 o Prevention of Adolescent Pregnancy Act of 2019 na inihain ni Nograles na kailangang maipasa aniya upang makontrol ang patuloy na pagtaas ng teenage pregnancy sa bansa.
“If passed, government would be mandated to develop an evidence-based, medium-term National Program of Action for the Prevention of Teenage Pregnancies. The program of action shall serve as the national framework for inter-agency and inter-sectoral collaboration at all levels to address the various health, cultural, socio-economic, and institutional determinants of teenage pregnancy,” ani Nograles.
Layon din ng nasabing panukala na bigyan ng suporta at incentives ang mga batang ina para maipagpatuloy ng mga ito ang kanilang pag-aaral kahit mayroon na silang anak.
“Amid a pandemic, and in our recovery efforts in the succeeding years, it would be an added burden if our population is allowed to boom unchecked, especially when future parents belong to a vulnerable age and sector and would be hard-pressed to fend for themselves,” ani Nograles.
“We must protect the youth from being robbed of their future because of ill-informed choices. As it is, they are already facing an uphill battle because of the setbacks caused by the COVID-19 pandemic.
Ipasa na po natin ang panukalang-batas at madaliin ang paglikha ng polisiyang ito, para sa proteksyon ng interes ng ating mga kabataan,” dagdag pa nito. (BERNARD TAGUINOD)
234 