PALPAK NA EBIDENSIYA SA JOLO BLAST  PINUNA

jolo

DAHIL sa nakalilitong statement at anggulo sa Jolo twin blasts, pinayuhan ni Senate Committee on Public Order chair Senador Panfilo Lacson ang pulisya at militar na maghinay-hinay at mag-ingat sa paglabas ng labu-labong impormasyon sa naganap na terror attack sa Mindanao.

Sinabi ni Lacson na kailangang mas maging maingat ang mga awtoridad sa pagbanggit ng mga bagay na makaaapekto sa imbestigasyon.

Idinagdag pa ng senador na higit na nakalilito ang kaliwa’t kanang press conference na ipinatatawag at lumalabas na may kanya-kanya silang opinyon sa trahedya.

Makailang beses nang pumalpak sa imbestigasyon ang militar nang ilabas ang apat na larawan ng mga sinasabing ‘bombers’ sa Mt. Carmel Cathedral ilang oras matapos ang pagsabog.

Lumitaw na hindi mga bombers ang mga nahagip ng CCTV kundi mga ordinasyong estudyante at teacher na napadaan lamang sa lugar ng krimen.

Makailang ulit ding binawi kung ang pagsabog ay gawa ng suicide bomber o mga lalaking nag-iwan ng bag sa loob at labas ng simbahan ilang minuto bago ang pagsabog.

Sinabi ni Lacson na kailangang kumuha ng matitibay na ebidensiya, kalapin ang mga ito sa halip na maging abala sa pagdaraos ng press conference na kalaunan ay babawiin din dahil sa palpak na impormasyon.

183

Related posts

Leave a Comment