UMABOT sa 1,960 pasahero at Port workers ang stranded sa iba’t ibang daungan sa bansa dahil sa pananalasa ng super bagyong “Rolly”.
Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), kabilang sa mga stranded ang mga pasahero, truck drivers, at cargo helpers mula sa Bicol Region, Southern Tagalog, National Capital Region at Eastern Visayas.
Bukod dito, may 83 barko, 119 motorbancas at 846 rolling cargoes din ang stranded sa iba’t ibang daungan.
“A total of 196 vessels and 45 motorbancas are also taking shelter in said regions as a precautionary measure against possible threats of the tropical storm,” ayon sa PCG.
Sa ulat, 24/7 ding nagmo-monitor ang PCG Command Center at mahigpit na ipinatutupad ang mga guidelines.
Nakatutok ito sa mga daungan ng Batangas, Calapan, Lucena, Balanacan, Romblon, Carme, Looc, Sta. Fe, Cajidiocan, Ambulong at Real. (RENE CRISOSTOMO)
208
