PROTEKSIYON SA SENIOR CITIZEN OK NA SA KAMARA

hands200

(NI CESAR BARQUILLA)

INAABANGAN nang maaprubahan sa ikatlong pagbasa ang ‘Anti-Elder Abuse Bill’ bago magtapos ang 17th Congress ngayong linggo.

Nauna nang nakalusot sa ikalawang pagbasa noong nakaraang Linggo ang panukala na layong protektahan ang mga senior citizens sa anumang uri ng pang-aabuso.

Sakop ng House Bill 7030 ang pagbibigay proteksyon sa mga matatanda laban sa physical, psychological, mental o emotional abuse, economic o financial abuse, material exploitation, sexual abuse, at pagpapabaya o pagaabanduna sa mga matatanda.

Bibigyan-din ng karagdagang karapatan ang mga senior citizens tulad ng pagkuha ng legal assistance mula sa Public Attorney’s Office o PAO at iba pang public legal assistance office, pagbibigay ng support services mula sa DSWD at LGUs, legal remedies sa ilalim ng Family Code at pagkakaloob ng compensatory, moral at exemplary damages sa matandang nakaranas ng anumang uri ng pangaabuso.

Mahaharap naman sa pagkakakulong at multang P100,000 hanggang P300,000 ang mga mapapatunayang umabuso sa isang senior citizen, habang P5,000 hanggang P10,000 multa naman sa mga barangay officials o law enforcers na hindi sasaklolo o magreresponde sa matandang naabuso.

Ang isang indibidwal na alam na naaabuso ang isang matanda pero bigong ireport ito sa mga otoridad ay mahaharap sa multang hindi bababa sa P10,000.

 

 

130

Related posts

Leave a Comment