ISANG lalaki na hinihinalang bigtime drug courier ang nadakip ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency at Quezon City Police sa isinagawang joint anti-illegal drug operation sa lungsod ng Quezon.
Nahaharap sa kasong paglabag ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002, ang suspek na kinilalang si William Glenn Gonzales Dela Cruz, 35, nakatira sa M-6, Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City.
Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, nakuha sa pag-iingat ni Dela Cruz ang walong pirasong medium size, transparent plastic sachet at dalawang small transparent plastic sachet na naglalaman umano ng shabu na tinatayang kalahating kilo na may street value na aabot sa P3.4 milyon.
Pahayag ni PDEA Spokesman, Director Derick Carreon, lumilitaw sa paunang pagsisiyasat na nakatakdang i-deliver ng suspek ang 500 gramo ng shabu nang masakote ito ng mga tauhan ng PDEA SES, PDEA VIII at mga tauhan ng QCPD sa bahagi ng Irid St. kanto ng IS Diaz St., Brgy. San Martin De Porres, Cubao, Quezon City. (JESSE KABEL)
173
