12 VALENZUELA CENTENARIANS TUMANGGAP NG P50-K

BUNSOD ng buong suporta sa mga senior citizen, nakatanggap ng P50,000 cash incentive bawat isa mula sa Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang 12 centenarians na mga residente ng syudad.

Personal na ipinamahagi ni Mayor Rex Gatchalian ang cash incentive sa bawat centenarian kasabay ng pagdiriwng ng Elderly Filipino Week.

Ang pamahalaang lokal ay nagbibigay ng cash incentives sa Valenzuelano centenarians mula pa noong pumasa ang Ordinance No. 300, Series of 2016, o ang Centenarian Ordinance ng Valenzuela City.

Binago ito ng Ordinance No. 652, Series of 2020, na nagpapataas ng cash incentment mula P20,000 hanggang P50,000 para sa bawat centenarian dahil sa patuloy na economic inflation at para sa iba pang economic considerations.

Sa 12 centenarians, pito ay 100 taong gulang lamang ngayong taon habang ang tatlo ay 101 at ang dalawa ay 102 taong gulang, pawang nagmula sa iba’t ibang mga barangay ng lungsod.

Lubos na sinusuportahan ng pamahalaang lungsod ang nakatatandang mamamayan sa pamamagitan ng pagtiyak na ang lahat ng mga benepisyo na inilaan para sa kanila ay ibinibigay para sa kanilang kabuuang kagalingan at buong pakikilahok sa lipunan.

Bukod sa pagbibigay ng cash incentives, nagkakaloob din ang lokal na pamahalaan ng mga benepisyo sa lahat ng mga senior citizen sa lungsod, sa pamamagitan ng OSCA, katulad ng taunang tradisyon ng Pasko Sa Hulyo Para Kay Lolo at Lola.

Ngayong taon ay may Food Packs Para Kay Lolo at Lola, kung saan humigit kumulang 57,000 senior citizens ang nakatanggap ng mga food pack na puno ng mga de-lata at bigas.

Susundan ito ng Handog Pamasko Para Kay Lolo sa Lola 2020 ngayong Disyembre. (FRANCIS SORIANO)

164

Related posts

Leave a Comment