NASAMSAM ng Pasay City Police operatives mula sa tatlong drug suspect ang P680,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation sa #2639B6 Gamban Ext. St., Brgy. 117, Zone 14, Pasay City bandang alas-1:45 ng madaling araw nitong Sabado.
Kinilala ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Pasay City Police Station, sa pamumuno ni P/Cpt. Cecilio G. Tomas Jr., ang mga suspek na ang mag-inang sina Rachelle Gavino, at Jonathan Gavino alyas “Jomar,” at kasamahan nilang si Fabian Panilio alyas “Bing”.
Nakuha sa tatlong suspek ang 100 gramo ng shabu na P680,000 ang halaga, marked money at drug paraphernalia.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (DAVE MEDINA)
204
