DECEMBER NA PALA

DECEMBER na pala. Pumasok na ang Christmas season. Mukhang sa tanang buhay ko simula nang ako’y magkaisip, ngayon ko lang nasaksihan kung gaano kalungkot ang mga tao.

Darati-rati, pagtuntong pa lang ng Setyembre ay nangangamoy Pasko na sa Pilipinas dahil sinisimulan nang patugtugin sa mga radio stations ang mga Christmas songs at kitang kita mo na ang excitement, hindi lang sa mga matatanda kundi lalo na sa mga bata.

Pero ngayon ay mas ­nangingibabaw ang kalungkutan ng mga tao. Kung napapansin ninyo, bihira kang makakita ng mga taong nakangiti.

Baka sabihin nyo paano mo nalaman na hindi nakangiti ang mga tao eh naka-face mask sila?

Ang mga tao, kahit naka-face mask ay malalalam mo kung sila ay masaya o hindi sa kanilang mga mata.

Pero kung titingnan mo ang mga mata ng mg tao ngayon, bihira kang makakita na sila ay masaya.

Banaag mo sa mga tao ang pagkabahala pa rin sa kanilang kalusugan dahil naririyan pa rin ang covid-19 na nagsimula sa China na itinago raw nila kaya kumalat sa buong mundo.

Habang isinusulat ko ito ay umaabot na sa 65, 584, 870 katao sa buong mundo ang nagkaroon ng covid-19 kung saan 1,473,746 ang namatay.

Kabilang na dito ang 432,000 Filipino na tinamaan ng covid-19 habang 8,392 naman dito ang namatay.

Kaya hindi ko masisisi ang mga tao na matakot pa rin sa paglabas-labas kahit bagot na bagot na sila dahil mula Marso ay hindi na naging normal ang kanilang buhay dahil sa covid-19 na ito.

May mga nakikita tayong lumalabas pero karamihan sa kanila ay kailangan niyang gawin para maghanapbuhay para may makain ang kanilang pamilya, may pambayad sa mga bills at upa ng kanilang bahay at may pambili sa mga kailangan ng kanilang mga anak.

Kung hindi sila lalabas at ­maghanapbuhay ay mamamatay sila sa gutom dahil one-time big time lang naman ang ayudang ibinigay sa kanila ng gobyerno at hindi na nasundan pa.

Marami rin sa ating mga kababayan natin ang hindi naman talaga nakatanggap ng ayuda sa pamahalaan kaya no choice ang mga nakikipagsiksikan sa Divisoria para makabili ng mga bagay na puwede nilang ibenta.

Pero kung mamasdan mo ang mga taong may takot pa rin sa kanilang mukha pero kailangan nilang sumugal dahil makaligtas man sila sa covid-19 eh mamamatay naman sila at kanilang pamilya sa gutom.

Yung mga tao sa mall at grocery ay hindi mo rin nakikita sa kanilang mukha ang excitement sa Paskong darating hindi tulad ng mga nakaraang mga Pasko na kapag ganitong season ay lahat ay excited.

Buhay na buhay ang mga malls dahil maraming bata na sinasamahan ng kanilang mga magulang na nagmo-malling, dati yun, bago nagkalat ang China ng kanilang virus.

Pero ngayon ay bawal ang mga bata na lumabas dahil sa paniniwala ng mga eksperto na sila ang maituturing na super spreader ng covid-19 kaya yung nagpapasigla talaga sa Pasko, ang mga bata, ay nawala na sa eksena.

Bukas man ang mga malls, wala namang nagpapasigla kaya hindi ko masisisi ang mga tao na sila’y malungkot.

Eto na siguro ang pinakamalungkot na Pasko na courtesy ng China sa ating panahon.

237

Related posts

Leave a Comment