PINAS DAPAT MAGING MAAGAP SA PAGBILI NG COVID VACCINE

KAILANGAN na  maging maagap ang gobyerno sa paninigurong hindi mahuhuli ang Pilipinas sa pag-angkat ng anti-COVID-19 vaccine.

Sinabi ng isang vaccine expert na si UP- PGH professor Emeritus Dra Lulu Bravo, nag-uunahan ang mga bansa na makakuha ng unang lalabas na bakuna.

Kaya kapag nahuli, ani Bravo sa pagbibigay ng advance market commitment ang Pilipinas, posibleng mapag-iwanan tayo ng iba pang mga bansa na nakikipag-unahan na din sa pagkuha ng bakuna.

Sa kabilang dako, sinabi ni Bravo na maaari nang magbigay ng advance market commitment sa alinmang vaccine manufacturer na maganda ang phase 1 and phase 2 clinical trial.

Sa kasalukuyan, ayon kay  Bravo ay nakapagsagawa na ng phase 1 at phase 2 ang Gamaleya ng Russia at Sinovac ng China.

Subalit,  ang talagang naka-advanced na aniya at nasa phase 3 na ngayon ay ang Pfizer, Moderna, Astrazenica at Johnson & Johnson. (CHRISTIAN DALE)

126

Related posts

Leave a Comment