SUBPORT SA DUMAGUETE NAKAPASA SA FINAL AUDIT PARA SA ISO 9001:2015 CERTIFICATION

Matagumpay na nakapasa ang Bureau of Customs Subport of Dumaguete noong nakaraang Martes sa Final External Audit, ang huling stage na kailangan para maipagkaloob ang ISO 9001:2015 Certification sa kanila.

Ang naturang subport ng BOC ang kauna-unahan at pangatlo sa mga Customs office na mapagkakalooban ng nasabing ISO certification.

Ang TüvSüd Management Service, ay isang German auditing and certification service provider na nagsagawa ng audit para ma-determina ang pagsunod ng Dumaguete sa ISO standards para tuloy-tuloy ang pagbibigay serbisyo upang matugunan ang pangangailangan ng mga kustomer at mga kinakailangang regulasyon.

Nasiyahan naman ang German certifying body kaya inirekomenda nila ang ­Dumaguete subport para sa pagpapalabas ng ISO 9001:2015 Certification.

“This milestone was made possible through the dedication of everyone in the Subport with the assistance of the District Port and the members of BOC Interim Internal ­Quality Management System Office (IIQMSO). We will not be resting on our laurels and will continue to undertake more initiatives to consistently improve the way we deliver our services to our s­takeholders”, ani Port Collector Fe Lluelyn G. Toring na nanguna ang Subports application for ISO 9001:2015 Certification.

Bilang bahagi ng Bureau’s top priority programs, ang ISO 9001:2015 Certification ay ang international standard na tumutukoy ng kailangan upang makapagbigay ng isang process-oriented approach para sa pagdodokumento at pagrerepaso ng istraktura, responsabilidad at pamamaraan para sa dekalidad na sistema para sa organisasyon at mga ahensiya ng gobyerno.

“It is an internationally ­recognized badge of ­quality customs service you now carry, that I know is well-deserved. Your achievement inspires and motivates us to carry on the work towards certification,” ayon naman kay Port of Cebu Acting Collector Atty. Charlito Martin R. Mendoza na nanghikayat sa iba pang units sa ilalim ng District Port of Cebu para patuloy ang kanilang trabaho sa ­’streamlining services and improving processes’.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang Port kina Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, Deputy Commissioner Donato B. San Juan at ang BOC IIQMSO Team sa pangunguna ni MGen. ­Leandro A. Loyao III para sa kanilang patnubay at pinalawak na tulong sa Subport of Dumaguete sa lahat ng kabuuang ISO certification journey.
(Jo Calim)

147

Related posts

Leave a Comment