Panawagan ng Quiapo church NAZARENO DEVOTEES, MANATILI SA BAHAY

BAGO sumapit ang kapistahan ng Itim na Nazareno sa Quiapo sa Enero 9, nanawagan si Fr. Rev. Douglas Badong sa mga deboto na manatili na lamang sa kanilang bahay.

Ayon kay Fr. Badong, ang Poong Nazareno ay iikot sa mga simbahan at pansamantala itong dinala sa Paco Church noong Martes galing sa Manila City Hall kung saan ginanap ang banal na misa.

“Dadalhin na sa inyong lugar ang Nazareno kaya huwag na ninyo siyang puntahan, maaari rin naman makinig ng misa online,” pahayag ni Fr. Badong.

Ito umano ang kauna-unahang kakaibang pagdiriwang ng Kapistahan ng Itim na Nazareko at ginagawa ang lahat ng Simbahan para mapigilan ang pagkalat at pagkakahawaan sa COVID19.

Ipinagbabawal din ang pagpunta sa simbahan ng mga mga edad 20 pababa at 60 pataas.

Gayundin, ang mga prusisyon at parada ng mga santo ay mahigpit na ipinagbabawal.

Samantala, maraming tauhan ng Manila Police District (MPD) na may bitbit na yantok, ang idineploy sa buong area ng Quiapo para magbantay ng seguridad sa lugar. (RENE CRISOSTOMO)

287

Related posts

Leave a Comment