PANSAMANTALANG isasara ang Skyway Stage 3 Project mamayang alas-10 ng gabi (Miyerkoles) at bubuksan bukas ng alas-4 ng madaling araw (Huwebes) upang bigyang-daaan ang ilang naiwang konstruksyon at maglalagay ng streetlights sa lugar.
Ang proyektong ito ay pagmamay-ari ng San Miguel Corporation (SMC) at nagsagawa ng soft-opening mula noong nakaraang Disyembre 29 na libreng madadaanan ng mga motorista mula North to South ng Metro Manila.
Opisyal na bubuksan sa publiko ang 18-km expressway sa darating na Enero 14 at inaasahang 20 minuto na lamang ang biyahe mula NLEx to Makati at ang NLEX to Alabang ay 30 minuto na lamang ding lalakbayin. (CYRILL QUILO)
