MAHIGPIT ngayong mino-monitor sa Quezon City ang isang pasyente na pinaniniwalaang infected ng COVID-19 variant na nagmula sa United Kingdom (B.1.1.7).
Ayon sa ulat, dumating sa bansa ang pasyente noong Enero 7 mula sa bansang Dubai at nag-quarantine sa isang hotel.
Nakumpirma na mayroon itong COVID-19 UK variant matapos ipadala ng Philippine Genome Center ang kinuhang saliva nito at agad itong dinala sa isolation room facility.
Lumalabas na nagtungo sa Dubai ang pasyente para sa business trip kasama ang isang babae.
Ang pasyente at ang kasamang babae ay negatibo bago umalis ng bansa hanggang sa pagbalik nito.
Agad namang nagsagawa ng contact tracing ang City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) sa mga residente na malapit sa bahay ng pasyente kabilang na ang mga healthworker at mga
nakasalamuha nito sa isolation facility kung saan ito dinala.
Hinihintay naman ng CESU ang report ng DOH sa mga kasabay nitong pasahero sa eroplano para magsagawa ng contact tracing.
Dinala rim sa isolation facility ang mga kasama nito sa bahay at lahat sila ay sumailalim sa covid testing.
Inilagay na ng CESU sa heightened surveillance ang komunidad na kinaroroonan ng bahay ng pasyente.
“We have to remain cautious and vigilant to avert the spread of this new variant. What is important is we take care of the resident, and make sure we don’t sow panic in the community,” saad
naman ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Sinabi pa ng alkalde na kinakailangan na higpitan ang minimum health standards at agad iulat ang mga sintomas sa panibagong variant ng COVID-19.
“We are doing everything we can to trace and isolate, knowing fully well that this variant is more contagious but not more virulent,” ayon naman kay CESU head Dr. Rolly Cruz.
“We are one with the QC LGU in enforcing Maximum Protocol Health Standrad (MPHS) para maiwasan pa natin ang paglaganap ng COVID-19, lalo na may naitalang bagong variant ng
pandemyang ito. I have ordered all station commanders of QCPD to strictly enforce all existing laws, regulations and ordinances in order to stop the spread of this pandemic,” saad naman ni
QCPD Director PBrig. General Danilo Macerin. (TJ DELOS REYES)
