(NI JESSE KABEL)
SIMULA ngayon ay may malaking diskuwento na sa mga pampublikong pampasaherong bus ang mga kagawad ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippine at maging ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard.
Sa isang programang nilikha ng Department of Transportation (DOTr) at sinuportahan ng Land Transportation Franchising and Regualtory Board sa pakikipagtulungan ng mga private bus company ay pagkakalooban ng 20 porsyentong diskuwento ang lahat ng uniformed personnel sa lahat ng public utility buses.
Lahat ng personnel mula AFP, PNP PCG, na nasa active duty ay kuwalipikado sa 20 porsyentong diskuwento sa kanilang pamasahe sa lahat ng city and provincial buses.
“In line with the President’s directive, this is our way of giving back to our soldiers, policemen and Coast Guard servicemen who secure our nation and protect the Filipino people,” pahayag pa ni Transportation Secretary Arthur Tugade kasunod ng ginanap na pirmahan sa memorandum of agreement.
Ginanap ang formal signing ng f Memorandum of Agreement sa pagitan ng mga government agencies at bus operators kahapon sa LTFRB Central Office.
Paliwanag ni Tugade kailangan lamang ipakita ng mga uniformed personnel ang kanilang valid ID bilang patunay na sila ay nasa active service.
182