(NI LILIBETH JULIAN)
NO big deal.
Ito ang reaksyon ng Malacanang sa kinukuwestyong kasama sa listahan ng mga preferable senatorial candidates ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Senador Jinggoy Estrada.
Sa press briefing kahapon sa Malacanang, iginiit ni Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo, na walang nakikitang masama ang kung kasama man sa listahan ng ineendorso ng Pangulo.
Napag-alaman na hanggang ngayon ay patuloy pa ring dinidinig sa Sandiganbayan ang kasong nay kinalaman sa pork barrel ni Estrada.
Katwiran ni Panelo, hindi na dapat pang kuwestyunin si Estrada dahil nananatili pa itong inosente sa kasong kinakaharap.
Binigyan-diin ni Panelo na ang pag endorso ng Pangulo kay Estrada ay hindi nangangahulugan na bumibitiw na ito sa kanyang mahigpit na kampanya kontra kurapsyon.
“Hindi pa naman napatutunayang nagkasala at nananatiling inosente until proven guilty si Estrada,” giit pa ni Panelo.
Noong Biyernes ay itinaas ni Pangulong Duterte ang kamay ni Jinggoy Estrada sa isang event sa Legaspi City na pagpapakita ng pag-endorso sa kandidatura nito sa May 2019 elections.
168