4 RECLAMATION PROJECTS APRUB NA SA PRA

rehab1

(NI BERNARD TAGUINOD)

MAYROONG 120 proposed reclamation projects ang nakabimbin sa tanggapan ng Philippine Reclamation Authority (PRA) sa buong bansa kung saan 22 dito ay gagawin sa Manila bay. Sa nabanggit na bilang apat na umano ang aprubado na na kinabibilangan ng 360-hectare Pasay reclamation project; 140-hectare Solar City Project , Navotas Boulevard Business Park.

Ito ang lumabas sa pagdinig ng House committee on Metro Manila Development ukol sa reclamation projects sa Manila Bay na tinututulan ng ilang mambabatas dahil sisirain lamang umano ng proyektong ito ang nasabing karagatan.

Gayunpaman, hindi sinabi ni PRA assistant general manager Joselito Gonzales kung saan-saang parte ng Pilipinas isasagawa ang reclamation projects maliban sa 22 na gagawin sa Manila bay kung saan 20,000 ektarya sa nasabing karagatan ang tatabunan.

“This must be stop as it is threatening for the genuine essence of the Manila Bay clean up. The reclamation should be opposed,” ani Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao.

Sasayangin lamang umano ang gobyerno ang P42 Billion na pera ng bayan ang gobyerno sa rehabilitasyon sa Manila Bay kung kalaunan ay tatabunan lamang ang dagat para magkaroon ng puwesto ang mga dayuhang investor na mula sa China.

“There’s a high probability that some reclamation projects will start this year, thus people’s collective action opposing reclamation should be organized,” ayon pa kay Casilao.

Ang pangambang ito ng mambabatas ay kasunod ng paglilipat ni Duterte sa PRA sa kanyang tanggapan sa pamamagitan ng Executive Order (EO) 72 na nag-aalis din sa National Economic Development Authority (NEDA) ng kapangyarihan na aprubahan o hindi ang isang reclamation projects.

411

Related posts

Leave a Comment