NASUNUGANG PAMILYA SA TUMANA BINIGYAN NG CONSTRUCTION MATERIALS

NABIYAYAAN ng mga gamit para makapagpatayo ng tirahan ang nasa 28 pamilyang nasunugan sa Barangay Tumana, Marikina City.

Pinangunahan ni Taguig Pateros Congressman Alan Peter Cayetano ang Powerful Group ng Kongreso na BTS o Balik sa Tamang Serbisyo sa pamamahagi ng semento, yero, hollow blocks at iba pang gamit sa pagpapatayo ng 20 semi-bungalow houses para sa mga biktima ng sunod kamakailan.

Kabilang sa umasiste kay Cong. Cayetano sina Anakalusugan Party-list Representative Mike Defensor, Bulacan Congressman Jonathan Alvarado at Laguna Cong. Dan Fernandez habang hindi naman nagpakita sa ginawang turnover ng materyales si Marikina Mayor Marcy Teodoro sa hindi malamang dahilan.

Kabilang sa 20 pamilya na nabigyan ng 24 metro kuwadradong konkretong pabahay sina Flordeliza Canales na 17 taon nang naninirahan sa lugar at may 5 anak; Mary Jane Aduque, may 7 anak at pitong taon nang naninirahan sa lugar at Caridad Fahinog, may 8 anak na walang naisalbang anomang kagamitan.

Kaugnay nito, labis na ikinagulat ng mga mamamahayag ang ginawang introduction ng mga opisyal ng Barangay Tumana sa pagdating ni Cayetano na tinukoy nitong House Speaker.

Ikinagulat din ng grupo nang malaman mula mismo sa mga residente na si Cayetano pa rin ang alam nilang pinuno ng mababang kapulungan ng Kongreso. (CESAR BARQUILLA)

150

Related posts

Leave a Comment