STOCK MARKET POSITIBO SA PAGSISIMULA NG BAKUNA

NAPAKAPOSITIBO nang pagtanggap ng mga negosyante sa pagsisimula ng baksinisasyon sa ilang opisyal ng pamahalaan at mga manggagawa sa mga ospital ng gobyerno noong Lunes dahil “sumigla” at “tumaas” ang halaga ng bentahan ng stocks ng mga negosyante at namumuhunan sa bansa.

Batay sa datos ng Philippine Stock Exchange Composite index (PSEi), umabot sa P8.337 bilyon ang kabuuang halaga ang nailabas na pera ng mga negosyante at namumuhunan na tumaya sa stocks market, ilang oras makaraang umarangkada ang pagbabakuna.

Nangangahulugang postibo ang pagtanggap ng mga negosyante sa pagsimula ng baksinasyon ng pamahalaan laban sa COVID-19, kahit ang bakunang ginamit ay galing sa China, dahil 149 advancers ang positibo ang ganansya kumpara sa 76 natalo at sa 48 stocks na hindi gumalaw.

Malaking puntos din na inuna ang mga opisyal ng pamahalaan kahit iilang lamang sila at ng mga direktor at kawani ng ilang pagamutan ng pamahalaan.

Positibo rin ang paglahok ng mga dayuhang negosyante dahil pumalo sa P2.77 bilyon ang halaga ng binili nilang stocks sa Philippine Stocks Exchange (PSE), samantalang P3.63 bilyon halaga ang ibinenta nilang stocks.

Sa eksakto, naitala sa composite index ng PSE na 78.11 puntos ang nagkaroon ng ganansiya na katumbas ng 1.15 porsiyento.

Nagsara ito sa 6,872.97, samantalang ang higit na malawak na “All Shares index” ay nakakuha ng 45.10 puntos na katumbas ng 1.9 porsiyento na nagsara sa 4,165.40.

Ipinabatid din ng PSE na lahat ng sektor ay nakakuha ng magandang iskor sa takbo ng stocks market nitong Lunes makaraang matapos ito nang positibo.

Nanguna sa mga kumita ay ang holding firms at property developers. (NELSON S. BADILLA)

100

Related posts

Leave a Comment