PATAY dahil sa mapinsalang SARS COV-2 ang isang dating opisyal ng Manila Police District nitong Sabado ng madaling araw sa pinagdalhang pagamutan sa Quezon City.
Si P/Lt. Col. Eugenio Extramadura, nakatalaga bilang hepe ng Regional Headquarters Support Unit sa National Capital Regional Police Office sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City, ay namatay bandang ala-1:00 ng madaling araw habang ginagamot sa Quirino Memorial Medical Center sa Quezon City.
Ayon sa ulat, si Lt. Col. Extramadura ay nagpositibo sa SARS-COV2 kaya na-confine sa nabanggit na pagamutan.
Bago natalaga si Extramadura sa NCRPO, naging hepe ito ng MPD-District Headquarters Support Unit.
Nang ma-promote bilang NCRPO chief si P/Major Gen. Vicente Danao Jr., sumama umano si Extramadura.
Samantala, sa report ng Philippine National Police (PNP), aabot na sa 16,000 pulis ang nagpositibo sa COVID-19.
At sa huling ulat, si PNP Director General Debold Sinas ay kasalukuyang naka-quarantine matapos magpositibo sa COVID-19, kaya pansamantalang itinalaga bilang OIC si P/Lt. General Guillermo Eleazar. (RENE CRISOSTOMO)
147 