11 NADAGDAG SA COVID DEATHS SA CAMANAVA

PITO ang naitalang bagong namatay sa COVID-19 sa Caloocan City at sumipa sa 610 ang active cases noong Marso 12.

Umabot naman sa 15,329 ang confirmed cases sa lungsod. Sa bilang na ito ay 14, 224 ang gumaling at 495 ang namatay.

Habang tatlo ang bagong namatay sa Malabon City at 77 ang nadagdag na confirmed cases. Sa kabuuan ay 7,637 ang positive cases sa Malabon, 642 dito ang active cases.

Nadagdagan naman ng 57 pasyente ang bilang ng mga gumaling. Sa kabuuan ay 6,720 ang recovered patients ng lungsod at 275 ang COVID death toll

Isa namang COVID-19 patient ang namatay sa Navotas City at umalagwa sa 646 ang active cases makaraang 111 ang magpositibo at 11 ang naitalang nakarekober.

Sumampa na sa 6,651 ang total cases sa lungsod. Sa bilang na ito ay 5,800 ang gumaling at 205 ang namatay.

Habang isinusulat ito ay wala pang inilalabas na COVID-19 cases update ang lungsod ng Valenzuela. (ALAIN AJERO)

228

Related posts

Leave a Comment