NPA BULAGTA SA MILITAR SA QUEZON ENCOUTER

QUEZON – Isang miyembro ng rebeldeng New People’s Army ang namatay sa pakikisagupa sa militar sa bayan ng Mauban sa lalawigang ito, noong Biyernes ng hapon.

Ayon sa Mauban Police, nangyari ang engkwentro sa Barangay Lual Barrio habang nagpapatrulya ang mga miyembro ng 59th IB ng Philippine Army at nasabat ng mga ito ang hindi matiyak na bilang ng mga NPA.

Tumagal ng halos 12 minuto ang palitan ng putok bago umatras ang mga rebelde patungo sa bulubunduking bahagi ng nasabing bayan.

Ayon sa ulat ng miltar, isang hindi pa kilalang NPA ang napatay sa engkwentro habang wala namang namatay o nasugatan sa panig ng pamahalaan.

Nakarekober naman ang mga awtoridad ng isang granada na naiwan ng tumakas na mga NPA. (NILOU DEL CARMEN)

 

305

Related posts

Leave a Comment