COVID-19 DEATH TOLL SA PNP UMAKYAT NA SA 44

ITO ang inihayag kahapon ni PNP Deputy Chief for Administration, Police Lieutenant General Guillermo Lorenzo T. Eleazar, pinuno ng PNP Administrative Support for COVID-19 Task Force (ASCOTF), makaraang madagdagan pa ng dalawa ang bilang ng mga pulis na namatay dahil sa coronavirus.

Ayon kay Lt. Gen. Eleazar, dahil dito, sumampa na sa 44 ang bilang ng mga nasawi sa hanay ng PNP bunsod ng naturang COVID-19 virus.

Sa ulat ng PNP-ASCOTF at PNP Health Service (PNP-HS), ang huling nasawi ay isang 53-anyos na lalaking police commissioned officer na nakatalaga sa Police Regional Office 3.

Naitalang 44th PNP COVID death ang isang 48-anyos na police-noncommissioned officer na nakatalaga rin sa PRO3, na nasawi nitong April 11, 2021.

Ikinalukot ni Eleazar ang biglang pagdami ng mga pulis na nasasawi dahil sa coronavirus sa gitna ng ipinatutupad na 50 percent attendance sa mga tauhan ng Philippine National Police.

Noong Araw ng Kagitingan, isang 64 -anyos na non-uniformed personnel ang namatay habang isang 48-anyos na staff sergeant sa Manila District Traffic Enforcement Unit ang pumanaw sa COVID-19 noong Abril 8.

Sa datos ng PNP-HS, 278 naman ang nakarekober noong Sabado kaya nasa 14,751 pulis na ang gumaling sa nasabing virus.

Panibagong 223 infected cops ang naitala noong Abril 10 kaya nasa 17,194 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa PNP mula noong Marso 2020.

Nasa 2,400 pulis naman ang patuloy na ginagamot sa iba’t ibang ospital at pasilidad. (JESSE KABEL)

155

Related posts

Leave a Comment