P10-B PONDO SA FARMERS NA APEKTADO NG RTA

bigas18

(NI BETH JULIAN/PHOTO BY RAFAEL TABOY)

TINIYAK ng Malacanang na hindi pababayaan ng pamahalaan ang mga magsasaka kasunod ng pagsasabatas ng Rice Tariffication Act dahil sa inilaang P10 bilyon pondo kada taon para sa maaapetuhan nito.

Ito ang nakapaloob sa nilagdaang batas kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsisilbing benchmark kung anuman ang magiging epekto sa mga magsasaka na dulot ng RTA.

Sa ilalim ng Section 13, anim na taon ang itatagal na pahintulot para sa paglikha ng Rice Competitiveness Enhancement Fund na paglalaanan ng P10 billion annual budget.

At mula sa nakalipas na anim na taon ay magsasagawa ng mandatory review ang Congressional Oversight Committee on Agricultural and Fisheries Modernization (COCAFM) upang malaman kung kinakailangan pang ipagpatuloy o tuluyan nang ibasura ang pondo sa bigas.

Nilinaw ng Malacanang na ipauubaya sa Department of Agriculture ang rice fund na sakaling hindi lahat nagamit ay hindi na kailangan pang ibalik sa General Fund.

176

Related posts

Leave a Comment