MAG-UTOL NA NPA SUMUKO SA PNP-PRO5

BOLUNTARYONG sumuko ang magkapatid na miyembro ng communist terrorist group (CTG) sa mga tauhan ni PNP-Police Regional Office 5 Director, P/BGen. Jonnel C. Estomo sa Camarines Sur.

Ayon sa ulat, noong Biyernes, Mayo 7, dakong alas-2:00 ng hapon, sa Brgy. Caycayon, Tigaon, Camarines Sur, nagsagawa ng special intelligence operation ang PRO5 Camarines Sur 2nd PMFC, sa pakikipagtulungan ng PIU CSPPO, 93CIP (SMP), 97 MICO, PIT CamSur, RID5-RSOU, 501st RMFB5, 9SAB-SAF, SCIT, PIT at NISG-L, para ayusin ang negosasyon sa pagsuko ng dalawang miyembro ng New People’s Army na sina Jay Awa alyas “Ka Edwin,” NPSR listed, Platoon 2, L1, KP5, at Rolando Awa alyas Ka Michael, NPSR listed, Platoon 2, L1, KP5 sa Brgy. Caycayon, Camarines Sur.

Ang mga sumuko ay kinilala bilang hardcore member ng kanilang grupo.

Bagama’t sanay na sa pamumuhay nila bilang kaaway ng estado, ang pagpapalipat-lipat ng lugar sa mabundok na erya ng Bicol Region at sa hindi maayos na kalagayan ng kanilang mga magulang, napilitan ang mga rebelde na sumuko upang makabalik sa normal na buhay.

Isinuko ng magkapatid sa mga awtoridad ang kanilang mga armas.

Ang mga sumuko ay nasa kustodiya ng Camarines Sur 2nd PMFC para sa tactical interrogation at debriefing.

156

Related posts

Leave a Comment