(NI FROILAN MORALLOS)
NAARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang 276 mga dayuhan sa Makati City dahil sa pagtatrabaho ng walang working permit at working visa, ayon kay Commissioner Jaime Morente.
Ayon pa kay Morente, nadiskubre ng kanyang mga tauhan na ang sinasabing bilang ng foreigner ay konektado sa mga online gaming business o tinatawag nila na network technology company sa Ayala Avenue Makati City .
Sinabi ni BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr. ang mga nahuli ay walang maipresentang dokumento na magpaaptunay na lehitimo ang kanilang pagtratrabaho sa bansa
Dagdag pa ni Morente, ito ay panimula pa lang sa kanilang ikinakasang intelligence network upang masakote ang mga dayuhan na lumalabag sa immigration laws , o ilegal na nannirahan sa bansa ng walang mga kaukulang permit mula sa pamahalaan.
Matatandaan na noong 2018, nasa 533 foreign nationals, ang kanilang mga naaresto na nagtratrabaho ng walang working permit. Agad na ipinatapon palabas ng bansa kasabay sa paglalagay ng kanilang mga pangalan sa watchlist upang hindi muli makabalik sa bansa.
363