NFA RICE MANANATILI SA MERKADO – DA

bigas21

NILINAW ni Agriculture Secretary Manny Piñol na mananatili ang National Food Authority (NFA) rice sa merkado kahit lagpas pa ng Agosto ngayong taon taliwas sa mga report na ang state-subsidized rice na may presyong P27 kada kilo ay hanggang Agosto na lamang sa pamilihan.

“Mananatili ito kahit pa lagpas ng August dahil sa ngayon, ang stocks naming sa NFA ay hanggang sa August pa,” ayon sa secretary. Yan yung las na imporation ng NFA. Iyon ang ibebenta ng P27 kada kilo at dahil mayroon nang importasyon ng bigas, hayaan na natin ang pribadong sektor ang gumawa niyan,” dagdag pa nito.

Alinsunod sa ratipikasyon ng rice tariffication law, ililipat ang NFA sa ilalim ng Department of Agriculture sa March 3.

Batay sa rice tariffication law, pinapayagan ang unlimited imporation ng bigas basta’t mayroong phytosanitary permit mula sa Bureau of Plant Industry at makapagbabayad ng 35-percent tariff on shipments mula sa Southest Asia.

Maglalaan din, ayon sa batas, ng P10 bilyon para sa Rice Competitiveness Enhancement Fund, kung saan P5 bilyon ang nakalaan sa pagpapaunlad ng kabukiran at P3 bilyon para sa punla.

Nauna nang sinabi ng Department of Finance na ang bagong batas ay makapagreresulta sa mas murang bigas at makadaragdag din umano sa mababang inflation rate.

195

Related posts

Leave a Comment