PROSESO AT PAG-RELEASE NG REMDESIVIR MEDICINE PINABILIS NG BOC-NAIA

Bilang bahagi ng pangako ng Bureau sa kalakalan, ang Port of NAIA noong Mayo 25, 2021 ay patuloy sa kanilang pagpapabilis sa ginawang proseso ng Remdesivir Medicine at iba pang shipments na may kina­laman sa Anti-COVID-19.

Sa gitna na false news na ang BOC ang nagdi-delay sa pag-release ng Remdesivir ship­ments, ang Bureau, sa pamamagitan ng Port of NAIA, ginarantiyahan nila na ang pro­seso at pag-release ng legally imported COVID-19 na shipments ay pabilisin.

Ang Port of NAIA ay mahigpit na iimplementa at inoobserba ang minimum na isang (1) araw clearance lead time para sa proseso at pagrelease ng Remdesivir at iba pang COVID-19 shipments na may kumpletong importation requirements, kasama ang License to Operate (LTO), Certificate of Product Registration (CPR), Special Use Authorization (SUA) and/or Compassion Use Authorization (CUA) mula sa Food and Drugs Administration (FDA).

Base sa port’s record, tumatakbo na sa kabuuang forty-two (42) shipments ng Remdesivir (180,000 vials), ang naproseso at nai- released sa port simula noong Marso 2020.

Ang BOC ay patuloy rin sa reports ng lahat ng facilitated PPE at Vaccine shipments sa lahat ng kanilang information dissemination platforms, na kung saan sa kasalukuyan ay nasa 15,879 shipments ng PPE at 14 shipments ng COVID-19 Vaccines sa Port of NAIA na may mahigit sa 8 million vials/doses.

Ang Bureau of Customs sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero ay naniniwala sa mabilisan at importansiya ng nasabing medical supplies na kailangan para mabawasan ang tama ng COVID-19.

Kaugnay nito, patuloy ang mga koordinasyon sa stakeholders at government agencies tulad ng Department of Health (DOH), Department of Trade and Industry (DTI), at ang Food and Drug Authority (FDA), maraming iba pa para matiyak ang mabilis na proseso sa pag-release ng COVID-related shipments.

Ayon kay NAIA District Collector Camelita M. Talusan, ang country’s premier customs airport ay nananatili sa kanilang pangako sa ‘Commissioner Guerrero’s trade facilitation and border control initiatives’ para matiyak ang hindi inaasahan na pagkaabala at mapigilan ang hindi ligtas, ipinagbabawal at hindi rehistradong kalakal na makakadaan sa hangganan ng bansa. (Boy Anacta)

131

Related posts

Leave a Comment