2 pasahero sugatan TRIKE DRIVER TODAS SA BABY BUS

CAVITE – Binawian ng buhay ang isang 60-anyos na tricycle driver habang sugatan ang dalawa niyang pasahero nang bumangga sa kasalubong na baby bus nang mawalan ng kontrol sa kanyang manibela at sakupin ang kabilang linya ng kalsada sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Martes ng hapon.

Isinugod sa Tanza Specialist Medical Center ang biktimang si Francisco Bayos, driver ng tricycle, at pasaherong sina Jeremie Higuerra, 22, at Abed Glen Murcia, 20, ngunit idineklarang dead on arrival ang una.

Kinilala naman ang driver ng baby bus na si Genesis Dorado, 42-anyos.

Ayon sa ulat ni Corporal Nikko Paul Barranco ng Tanza Police Station, minamaneho ni Bayos ang kanyang tricycle at pasahero sina Higuerra at Murcia habang binabagtas ang A. Soriano Highway, sakop ng Brgy. Daang Amaya 2, Tanza, Cavite dakong ala-1:30 ng hapon patungo sa direksiyon ng Naic, nang umano’y mawalan ng kontrol sa kanyang manibela at sinakop ang kabilang linya ng kalsada.

Tiyempo namang parating ang isang baby bus na minamaneho ni Dorado galing Naic, na hindi nakaiwas at bumangga sa tricycle. (SIGFRED ADSUARA)

173

Related posts

Leave a Comment