6 PATAY, 3 SUGATAN SA VAN VS TRAILER TRUCK

QUEZON – Anim ang patay habang tatlo ang sugatan sa salpukan ng isang trailer truck at van sa Quirino Highway sa Barangay San Vicente, Tagkawayan, Quezon nitong Martes ng madaling araw.

Batay sa report ng Tagkawayan Police, magkasalubong na tinatahak ng trailer truck na minamaneho ng 29-anyos na si Arjay Brito Redecilla, at Nissan Urvan Escapade Van (TOJ512) na minamaneho ni Ron Aldwin Aquino, 30-anyos, ang palusong at kurbadang bahagi ng highway nang magkasalpukan ang mga ito dakong alas-12:20 ng madaling araw.

Nag-overtake umano sa sinusundang sasakyan ang van na patungo sa direksyon ng Bicol kaya sumalpok ito sa papalusong na kasalubong na truck.

Sa lakas ng pagkasalpok, patay agad ang driver ng van na si Aquino at tatlong pasahero nito, habang binawian naman ng buhay ang tatlo pang biktima habang nilalapatan ng lunas sa Ma. L. Eleazar Memorial District Hospital sa Tagkawayan.

Kinilala ang tatlong pasaherong pawang dead on the spot na sina Ma. Thalia Bombales, Sergei Victor France Reyes, 26, at isang hindi pa kilalang lalaki.

Binawian naman ng buhay sa ospital sina Agnes Villarosa, 29, at Rommel Galupar, 26, parehong pasahero rin ng van.

Tatlo pa sa mga sakay ng van ang nilalapatan pa ng lunas sa ospital.

Ayon sa isang survivor, galing sila ng Cavite at papuntang Bicol at inarkila nila ang van sa pamamagitan ng online booking.

Nasa kustodiya na ng Tagkawayan Police ang driver ng trailer truck. (NILOU DEL CARMEN)

 

183

Related posts

Leave a Comment