HINDI kinukonsidera ng Malakanyang na kaso ng mix-and-match ang pagbabakuna kay San Juan Congressman Francis Zamora.
Ito ang sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque kasunod ng pag-amin ng kongresista na tig-dalawang doses ng Sinopharm at Pfizer ang itinurok sa kanya.
Aniya, hindi pa naman pinahihintulutan ang mixing and matching ng COVID vaccines sa Pilipinas o kahit sa alinmang bansa.
Sinabi pa ni Sec. Roque na hindi rin naman maikukonsidera na mix-and-match ang pagbabakuna kay Congressman Zamora dahil ang pagturok dito ng unang dalawang dose ay mula sa iisang brand lamang.
Ang ikalawang batch ng dose ay ganundin naman sabi ni Roque gamit ang iba namang brand.
“Hindi pa po, pinag-aaralan pa po iyan. And I don’t think this qualifies as mixing kasi he had two doses of one and then two doses later,” aniya pa rin.
Samantala, sinabi ni San Juan Mayor Francis Zamora na kinailangang gawin ito sa kanyang ama dahil na rin sa payo ng doktor nito.
326
