NAKAKADALAWANG talo na ang Team USA sa Olympic exhibition games at lumalaki ang agwat ng iskor.
Sabado nang masilat ang Team USA sa kamay ng Nigeria, 90-87, tatlong puntos na diperensya sa unang kabiguan ng koponan laban sa isang African nation.
Kahapon ay butata na naman ang USA 5 sa kamay ng Australia. Lamang ng walong puntos ang Down Under team, 83-91.
Si Patty Mills ng San Antonio Spurs ang nanguna sa Boomers, 22 points sa 9-for-21 shooting, habang si Joe Ingles ng Utah Jazz ay nagdagdag ng 17 points kasama ang tatlong 3-pointers. Nagsumite rin si Matisse Thybulle ng Philadelphia 76ers ng 12 points at 11 puntos mula kay Aussie league veteran Chris Goulding.
Sa panig ng Team USA, may 22 points si Damian Lillard, 6-for-11 sa 3-point range. Nag-ambag si Kevin Durant ng 17 points sa 28 minutes of play at 12 points buhat kay Bradley Beal na 32 minutong sumalang.
May eight points lang si Jayson Tatum (4-for-12 shooting) at sablay lahat ng anim na 3-point attempts.
Malaking problema ng US team ang depensa, na nakagawa lang ng 46.2% sa floor kumpara sa 52.9% (36-for-68) ng Australia. Na-outrebound din ng Australia ang US, 32-25.
Laban sa Australia, sumubok ng bagong starters at ginamit ng US squad sina Draymond Green at Jerami Grant para samahan sina All-Stars Durant, Lillard at Beal.
Naunang nagpasabog ang Team USA, 27-24 lead matapos ang isang quarter at nagawa itong maging siyam na puntos, 46-37 sa halftime.
Pagsapit ng third quarter, na-outscore ng Australia ang Americans, 32-18.
Nakaresbak ang Team USA para kunin ang fourth-quarter lead, ngunit umiskor si Mills ng 10 points sa final period tungo sa upset win.
Ang magkasunod na talo ng Team USA ay first time sapol nang magsimulang katawanin ng professionals o NBA players ang US noong 1992.
Ang nasabing exhibition games ay paghahanda sa Tokyo Olympics na magsisimula na sa susunod na linggo. (VT ROMANO)
158
