PEACE AND ORDER BUMUTI SA WAR ON DRUGS – PNP

INIHAYAG ni Philippine National Police (PNP) chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar na gumanda ang peace and order situation sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil sa pinaigting na anti-criminality at war on drugs.

Ayon kay P/Gen Eleazar, “Sa kabila ng mga kritisismo at sari-saring alegasyon, hindi maipagkakaila na mas gumanda ang peace and order situation sa ating bansa. Hindi ito sabi-sabi o gawa-gawa lamang dahil ang inyong PNP ay may mga datos na nagpapakitang mahigit sa 60 porsyento ang ibinaba ng krimen sa nakalipas na limang taon.”

“Ito naman ang ipinangako ng ating Pangulong Duterte noon at natutuwa kami na naging kabahagi kami at hindi namin binigo ang taumbayan dito. But there is no room for complacency so on the part of the PNP, we will remain focus on our mandate of further improving what we have already improved dahil tayo namang lahat ang makikinabang dito,” dagdag niya.

Bagama’t malaki ang ibinaba ng antas ng krimen sa nakalipas na limang taon, binigyang diin ni P/Gen. Eleazar na naging susi rito ang agresibong kampanya kontra ilegal na droga.

“Ang ilegal na droga ang karaniwang ugat ng iba pang krimen kaya’t noong pinaigting ang kampanya laban dito ay mas naging ligtas ang ating mga komunidad at napawi ang pangamba ng ating mga kababayan na sila’y mabiktima ng mga kriminal,” wika ni P/Gen. Eleazar.

Kamakailan, inihayag ni Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na gumanda ang peace and order situation sa bansa sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Sinabi ni Sec. Año, bumaba ang antas ng krimen noong unang bahagi ng 2021 kumpara sa ikalawang bahagi ng 2016, ang taon kung kailan umupo si Pangulong Duterte.

Sinabi ni P/Gen. Eleazar, malaki ang suportang ibinigay sa kanila ng administrasyon sa pagtupad ng kanilang mandato.

“The government’s full support to the PNP’s modernization program has enabled the police organization to procure assets to further boost our capability in our anti-criminality operations which is aimed at better serving and protecting the public,” ani Gen. Eleazar. “Bukod sa tumaas din ang sweldo ng mga pulis sa ilalim ng administrasyong ito kaya naman dumoble rin ang effort ng aming hanay na siguraduhin ang kaayusan at kapayapaan sa ating mga komunidad.” (JESSE KABEL)

259

Related posts

Leave a Comment